Sa bayan ng San Jose, ay may mag-anak na nakatira, Aling Pacita, si Mang Berto at si Ben.
Si Ben ay batang mabait, magalang, malambing at madaldal, pero hindi mo maiintindihan ang kanyang sinasabi dahil siya ay “bulol”.
Nasa limang taong gulang na si Ben, Nasa tamang edad na siya upang pumasok sa paaralan.
“Nana goto ko na patok itkol, beye mo ato lapit at papey”. ang wika ni Ben sa kanyang nanay.
Nakangiting tumango si Aling Pacita kay Ben, bilang pag tugon sa sinabi nito.
Habang nakahiga ang mag asawa hindi makatulog si Aling Pacita sa sinabi ni Ben sa kanya.
“Malapit na ang pasukan”, “Naiisip ko ang kondisyon ni Ben, mahirap magsalita baka tuksuhin siya.”, wika ni Aling Pacita.
Nag-uusap pa rin ang mag asawa, napagpasyahan nila na papasukin na si Ben sa darating na pasukan.
Tinawag ni Nanay si Ben. “Anak halika may sorpresa ako sa’yo”.
“Wow Nana, papatok na ato! yeheeeeey!”, wika ni Ben.
Dumating na ang araw ng pasukan. Inihanda na ni Aling Pacita ang mga gamit ni Ben sa paaralan.
Habang nasa daan, tanong nang tanong si Ben sa kanyang Nanay.
“Dami bata itkol Nana?”
“Oo, anak.”, wika ni Nanay.
At nakarating na sa paaralan ang mag-ina….
“Wow Nana dada itkol ko.”, masayang sambit ni Ben.
Hinatid ni Aling Pacita si Ben sa silid-aralan. Tuwang tuwa si Ben nang makita nito ang silid-aralan.
“Nana danda itkol ko daye atong kayayo Nana.”, ang sabi ni Ben ng makita ang kanyang mga kaklase.
Iniwan ni Aling Pacita si Ben sa guro. “Mam bahala na po kayo sa aking anak na si Ben”.
Nagsimula na ang klase. Isa-isang tinawag ng guro ang bawat bata para magpakilala. Tumayo si Ben at masiglang nagpakilala.
“Ato ti Ben Lomelo liman taon dulang, tika Tan Ote,”
Nagtawanan ang mga kaklase sa sinabi ni Ben.
“Ahahahahahha” …. “Buyoyoooy……Buyoyooooyy batang bulol”, wika ng mga kaklase ni Ben.
Umiyak si Ben sa sinabi ng mga kaklase.
Kinausap ng guro ang mga bata at sinabing huwag tuksuhin si Ben sa pagsasalita. Kinausap ng guro si Ben.
Tuwing magsasalita si Ben ay tumatawa ang mga kaklase nito. Oras ng uwian, sinundo si Ben ng kanyang Nanay.
Malungkot si Ben nang makita ng kanyang Nanay.
“Ayaw to na patok, ato luko itkol”. wika ni Ben habang umiiyak.
Nalungkot ang guro sa narinig sa ina ni Ben na ayaw nitong pumasok sa paaralan. Kinausap agad nito si Ben.
“Huwag kang malungkot. Nandito ako. Tutulungan at gagabayan kita. Tuturuan kita pagkatapos ng klase.”
“Tige po, Mam. Talamat po!”
Bago matapos ang pasukan.
“Mga bata, pakinggan ninyo si Ben.”
“Ako si Ben Romero. Ako ay limang taon gulang.”
Laking pasalamat ng magulang ni Ben, Natutong magsalita nang maayos sa gabay ng guro at hindi na siya tatawaging “Buyoyoy”.