Unang hakbang, kalituhan ang bumabalot,
Sa mga senyas, ano kaya ang ibig sabihin?
ASL, unang wika, ngunit kulang pa rin,
Sa paghahatid ng damdamin, di pa ganap ang dating.
Ngunit dumating ang liwanag, sa FSL,
Ang pusong tunay, sa wakas ay nagsalita.
Bawat galaw, bawat ekspresyon,
Damdamin ay lumalabas, kwento'y nabubuhay.
Hindi hadlang ang katahimikan,
Sa FSL, ang kultura'y sumisigla,
Kasaysayan natin, sa kamay ay nabubuhay,
Bawat kumpas, diwa'y nagniningning.
FSL, wikang likha ng ating bayan,
Lahing dakila, sa kamay ng Bingi'y muling sumibol.
Mula sa ASL, sa FSL, isang pagbabago,
Isang pagkakaisa, sa puso't diwa.
Sa bawat galaw, sining na nag-uumapaw,
Tunay na likha, mula sa puso't isipan.
Bata't matanda, magkaisa,
Bayanihan sa Wika, FSL man o iba pa,
Pagkakaisa ang ating mithiin,
Sa ating wika, lakas ay makikita.
Sama-sama tayong magsikap,
Isang bansa, matibay ang pundasyon.