Return to site

BOSES NG BAYAN, WIKA NG PAG-ASA

ni: ARLENE A. BACALI

Ang madlang aba, ay may iisang tinig,

Sa daloy ng tubig hatid ng unos ay pumipintig.

Boses ng masa umaalingawngaw, kalawaka’y nayayanig.

Hustisya sa hukuman narapat lamang na tumindig!

Sa bawat salita, dangal ay sumisibol,

Tinig na nagiging sandata’t kalasag sa pagsukol.

Puso ng bawa’t isa ay patuloy sa paghiyaw,

Upang ang karapatan ng mamamayan ay matanaw.

Pangarap ng bawat Pilipino ay di dapat malunod.

Nang dahil sa mga tiwali na nasa Gobyerno.

Ibigay ang nararapat na kay Juan.

Upang ang bawat isa ay maginhawaan.

Lagi sana nating tandaan,

Dugong Pilipino ang sa atin ay nananalaytay.

May iisang tinig at adhikaing tinataglay.

Pag-ibig sa kapuwa patuloy sanang manaig at ialay.