Return to site

BOSES NG ATING KULTURA

ni: KEZIAH JANELLE C. AGUSTIN

Wikang Filipino ang syang tumatayo sa ating pagkatao,

nagsisilbing representasyon ng bawat Pilipino.

Bumubuhay sa kultura't tradisyong ating isinapuso

ang ating naging sandigan sa ilang dekadang nabuo.

 

Mula sa "Magandang Umaga" at sa "Nalimbang a bigat" ng mga Ilokano

"Maayang aga" ng mga Ilonggo, "Maayong buntag" ng mga Cebuano

Isang daa't walumput pito ang bilang ng ating mga diyalekto.

Iba-iba man ang diyalektong inihain, iisa lamang ang nais nitong sabihin.

 

Ang ating wika'y nagpapakita rin ng pagrespeto, mula sa pagmano

hanggang sa pagsabi ng po at opo.

Isa iyan sa ating tradisyon na hindi dapat basta-bastang ibalewala

dahil yan ang kultura sa ating bansa.

 

Wikang Pilipino tunay na ikaw ang tulay ng komunikasyon

ang syang nagbibigay aksyon, sa bawat letrang binibigkas

ito ang syang landas ng ating bukas.

Iba't iba man ang paniniwala, kultura natin ay nag-iisa.

 

Ang syang nagsisilbing repleksyon ng ating tradisyon,

ang wikang Pilipino na tayo lang ang mayroon.

Tayo'y magkaroon ng gawa sa pagsabuhay ng ating kultura

maging "MAKABAYAN, MAKALIKASAN, MAKADIYOS, MAKABANSA".

 

Sa pagiging Makabayan, nandiyan ang pagtutulungan,

wala sa diyalekto iyan, ngunit sa taong nangangailangan,

wika ang syang nagbubuklod sa ating mamamayan

upang tayo'y magkaintindihan.

 

Paggawa ng aksyon sa maling trato sa ating kalikasan

wika ang naging daan na naglaan ng tamang kagawian.

Simpleng pagsabi lamang ng "Kalat mo, Tapon mo!"

Tamang pagtrato ating i-akto, pagkat tayo'y mga Pilipino.

 

Pagiging makadiyos at makabansa wika rin ang syang nagsasalita,

mula sa pagbigkas ng bawat salita sa pagdadasal hanggang sa

pag adbokasiya ng ating bansa, pagmamahal ang sya nitong pinapakita.

Diyalekto ang syang tulay sa pag asenso ng bansa nating tunay.