Return to site

BIBOY ANG BATANG PALABOY

ni: REGGIE S. APINO

Sa isang nayon, may naninirahan na mag asawang sina Ador at Lisa. Ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay ang pagsasaka. Sa panahon ng anihan sila ay binibiyayaan ng tuni-tuniladang bunga at puso ng saging. At inilalako ito sa pamilihang bayan na malapit sa kanilang lugar.

Sa tuwing sasapit ang araw ng linggo nakaugalian na ng mag-asawang sina Ador at Lisa na magsimba. Sila ay namumuhay ng masagana at pinagtibay na ng panahon ang kanilang pagsasama.

Halos apat na taon ng namamanata at sumasayaw sa mahiwagang simbahan sa Obando, Bulacan upang mabiyayaan ng supling ang mag-asawa. Subalit habang tumatagal sila ay nawawalan ng pag-asa na magkaroon ng sariling anak.

Isang umaga habang sila ay naglalakad patungo sa simbahan sila ay nakarinig ng isang kaluskos sa loob ng isang kahon malapit sa kumbento ng simbahan. At dali-dali nila itong pinuntahan upang tignan kung ano nga ba ang laman nito.

Noong, una ay ayaw nila itong tignan. “Baka pusa o daga lamang iyan” … wika ni Ador. Biglang kinutuban at iba talaga ang pakiramdam ni Lisa. “Sandali Ador paubuntong hininga na sambit ni Lisa”.

Aba! Mukhang tama nga ang aking hinala. Oh, Diyos ko ito na kaya ang matagal kong ipinagdadarasal. Subalit hindi ganoon kadali para angkinin o kunin ang nasa loob ng isang kahon.

Tumambad sa kanila ang isang maamo at mistulang anghel na sanggol. Ito ay iniwan sa harap ng pintuan ng kumbento. At agad na nga itong ipinaalam ng mag-asawa sa awtoridad. At nagpasiya ang DSWD na sila ang magsisilbing pangalawang magulang ni Biboy. Magmula noon namuhay na ng mas masaya at masaga sina Ador at Lisa.

Si Biboy ay nagkaroon ng magandang kinabukasan at nakapagtapos ng pag-aaral. Laking pasasalamat ni Biboy sapagkat napalaki siya ng maayos ng kanyang mga magulang. Si Biboy na dating palaboy ngayon ay isang alagad narin ng simbahan at mabuting anak sa kaniyang mga magulang.

“Huwag tayong mapagod na manalig at magtiwala sa Panginoon. Sapagkat lahat ng bagay na nangyayari sa mundo ay may kaakibat na magandang resulta sa dulo”.