Return to site

BAYANIHAN SA WIKANG FILIPINO, BUKLOD AT MIDYUM SA MATIBAY NA PAMBANSANG

PAGKAKAISA

ni: MYLEEN G. BAYANI

Yaman ng bansa itong wikang Filipino

Tagalog, Waray, Cebuano, Pampango o Ilokano

Nagbayanihan at nagbuklod upang pagkakaunawaa’y matamo

Para sa higit na pagyabong ng sambayanang Pilipino

Ito’y pamana ng ating mga ninuno,

Marapat na gamitin saan man magtungo.

Huwag ikahiya, wikang Filipino’y ipagmalaki mo

‘Pagkat ito ay tatak ng lahing Asyano

Midyum ng pagtuturo ang wikang Filipino

Tiyak mauunawaan ang aralin, asahan mo

Maslalong maipaliliwanag ang mga leksyon ng guro

Dunong sa aralin ay siguradong matatamo

Midyum sa pananaliksik itong wikang Filipino

Malayang magagamit ng mga dalubhasa at eksperto ito

Nagugulumihanang isipa’y maliliwanagang sigurado

Talino at galing ay mapagyayabong talaga naman ng todo

Midyum ng matibay na pagkakaisa ang wikang Filipino

Hatid nito ay pagkakasundo

Saan man lugar sa bansa o pulo

Sa bawat nayon ay nagbubuklod sa kapwa tao

Halina’t paunlarin ang wikang Filipino

Mahalin, linangin at pagyamanin pa ito

Pagka’t habang wika’y pinalalago

Bayanihan at isang mithii’y matatamo

Kabataan dapat ninyong patunayan

Na kayo nga ang pag-asa ng bayan

Gamitin ang sariling wika bilang saligan

at dadalhin kayo nito sa tagumpay sa iba’t ibang larangan