Return to site

ANTAS NG KAKAYAHAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG SAMPU NG DR. CRISOGONO B. ERMITA SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

SIGRID CROY M. VILLAN

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation, Inc.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang antas ng kakayahan sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang Sampu ng Dr. Crisogono B. Ermita Sr. Memorial National High School. Gamit ang deskriptibong metodo ng pananaliksik, isinagawa ang pagsusuri sa mga piling mag-aaral batay sa mga pamantayan ng mahusay na sanaysay tulad ng nilalaman, organisasyon, gamit ng wika, at mekaniks. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng pagsusulat ng sanaysay na sinuri ng mga guro sa Filipino gamit ang rubrik. Ipinakita sa resulta na ang karamihan sa mga mag-aaral ay nasa katamtamang antas ng kasanayan sa pagsulat, kung saan kinakailangan pa ng mas malalim na pag-unawa at pagsasanay lalo na sa aspeto ng gramatika at pag-oorganisa ng ideya. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang pagpapatupad ng mga interbensyong pedagogikal gaya ng pagsasagawa ng mga writing workshop at pagbibigay ng mas madalas na gawaing pampagsulat upang mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa malikhaing at lohikal na pagpapahayag ng kaisipan sa pamamagitan ng sanaysay.

Ang edad na 15-16 ang nakakuha ng mataas na bilang sa edad at karaniwan ay mga babae.

Ang mga respondente ay sumasang-ayon na mahalaga ang antas ng kakayahan sa pag sulat ng sanaysay sa Filipino.

Walang makabuluhang pagkakatulad ang edad at kasarian ang sagot ng respondente batay sa kanilang propayl.

Ang interbensyong ginawa ng kasalukuyang mananaliksik ay modyul sa Filipino.

Mga Susing Salita: Antas ng Kakayahan, Sanaysay, Wikang Filipino