Return to site

ANTAS NG KAANGKUPAN NG MGA LITERATURANG PANGKALIKASAN

BILANG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA BAITANG 10
S
A PAMPUBLIKONG PAARALANG SEKUNDARYA

MELANIE B. DAYAP

Republic Colleges of Guinobatan, Inc.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na pinamagatang “Antas ng Kaangkupan ng mga Literaturang Pangkaliaksan Bilang Kagamitang Pampagtuturo sa Baitang 10 sa Pampublikong Paaralang Sekundarya” ay naglalayong suriin ang antas ng kaangkupan ng mga literaturang pangkalikasan bilang kagamitang pampagtuturo sa Baitang 10 sa pampublikong pansekundaryang paaralan sa ikalawang distrito ng Albay sa Taong Panuruan 2025-2026. Ang mga respondente ay binubuo ng 55 guro mula sa tatlong piling pampublikong paaralan, samantalang limang eksperto ang nagsilbing tagahatol sa bisa ng instrumento. Gumamit ng survey questionnaire na nakabatay sa Likert scale upang makuha ang pananaw ng mga respondente. Ang mga datos ay sinuri gamit ang frequency count, percentage technique, weighted mean, at f-test (ANOVA).

Batay sa nakalap na datos, ang mga literaturang pangkalikasan ay lubos na katanggap-tanggap sa nilalaman (WM = 3.72, lubos na katanggap-tanggap), kaangkupan sa baitang (WM = 3.69, lubos na katanggap-tanggap), organisasyon at daloy ng teksto (WM = 3.66, lubos na katanggap-tanggap) at pagkakahanay sa MELCS (WM = 3.64, lubos na katanggap-tanggap). Ipinapakita nito na epektibo ang mga literatura bilang pantulong sa pagtuturo at sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pangangalaga sa kalikasan. Ipinapakita rin ng resulta na walang makabuluhang pagkakaiba sa mga tugon batay sa mga isinaalang-alang na baryabol. Dahil dito, nananatiling tinanggap ang hipothesis.

Base sa mga natuklasan at konklusyon, napatunayan na mataas ang kaangkupan at kalidad ng mga literaturang pangkalikasan, at napatunayan ang kanilang positibong epekto sa pagtuturo at pagkatuto. Gayundin, iminumungkahi na patuloy itong gamitin at i-update, at sa pagpapaunlad ng kurikulum at paggamit ng mga literaturang pangkalikasan. Kaugnay nito, inirerekomenda ng mananaliksik na isama ang mga literaturang pangkalikasan sa mga aralin upang mas lalong mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa pangangalaga sa kalikasan.

PANIMULA

Sa pagharap ng bansa sa iba-iba suliraning pangkalikasan tulad ng polusyon, deforestation, mga natural na kalamidad, at mga animated movies na may temang pangkalikasan, nagiging mahalaga ang papel ng paaralan sa paghuhubog ng responsableng mga mag-aaral. Ang paggamit ng literaturang pangkalikasan bilang kagamitang pampagtuturo ay maaaring magsilbing mabisang paraan upang maiugnay ang pagkatuto sa wika sa paglinang ng pagpapahalaga at pananagutan sa kalikasan. Dahil dito, kinakailangang masuri ang kaangkupan ng mga kagamitang ito upang matiyak na tumutugon ang mga ito sa pangangailangan at antas ng mga mag-aaral. Ipinapakita nito na ang pangangalaga sa kalikasan ay may konstitusyonal na batayan.

Pinagtitibay naman ito ng Republic Act No. 9512, National Environmental Awareness and Education Act 2008, na nag-aatas sa pagsasama ng environmental education sa kurikulum. Sa huli, inaasahamg makapagbibigay ang pag-aaral ng konkretong rekomendasyon na makatutulong sa pagpapabuti ng pagtuturo ng mga asignaturang may kaugnayan sa kalikasan. Isinagawa ang pag-aaral na ito upang masuri ang antas ng kaangkupan at bisa ng mga literaturang pangkalikasan bilang kagamitan sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa Baitang 10.

Layunin nitong matulungan ang mga guro na mapabuti ang kanilang pagtuturo sa pamamagitan ng paggamit ng makabuluhang akdang pampanitikan na may temang pangkalikasan, gayundin upang mapalawak ang kamlayan ng mga mag-aaral sa pangangalaga sa kalikasan. Sa ganitong paraan, inaasahan na maipakita ang kahalagahan ng literaturang pangkalikasan sa edukasyon at sa paghubog ng responsableng mamamayan.

see PDF attachment for more information