Sa isang tahimik na baryo sa Pilipinas, nakatira si Maria, isang batang lumaki sa piling ng kanyang Lola Letty. Tuwing gabi, bago matulog, ikinukuwento ni Lola Letty ang mga lumang Alamat, kasabihan, at ang mga kaugalian ng mga Pilipino noong siya’y bata pa.
‘Maria,” sabi ni Lola Letty isang gabi habang naglalagay ng banig sa sahig. “ang kultura natin ay hindi lang nasa libro- kundi nasa puso, gawa, at salita natin ito.”
Tuwing may okasyon, gaya ng Pasko o pista (fiesta) , sama-samang naghahanda ang kanilang pamilya. Nagluluto sila ng lechon- baboy man o manok, pancit, at kakanin tulad ng bibingka at puto. Sa Noche Buena, hindi kumpleto ang gabi kung walang pagpapasalamat sa Diyos at pagbibigay ng regalo, kahit simpleng gamit o pagkain lang.
Isa rin sa pinakapinahahalagahan ni Maria ay ang pagmamano sa matatanda at ang paggalang sa magulang- isang bagay na araw-araw niyang ginagawa.
Isang araw, isinama ni Maria si Lola Letty sa kanilang paaralan para sa Buwan ng Wika. Ipinakita ni Maria sa klase kung paano gumawa ng barong gamit ang abaka at itinuro niya ang ilang salitang katutubo sa kanilang dayalekto. Nagpalakpakan ang buong klase, at napangiti si Lola habang pinapanood ang kanyang apo.
“Lola,” wika ni Maria pagkatapos ng programa, “ipagpapatuloy ko ang mga kwento mo para hindi mawala sa kultura natin.”
At sa kanyang puso, alam ni Maria na bitbit niya ang kayamanan ng pagiging Pilipino- ang pagiging maka- Diyos, makatao, Makabayan, at makakalikasan.