Return to site

ANG MAHIKA NG WIKA

ni: CELSO L. MONTOYA JR

Sa bawat titik ay may kuwentong hiwaga.

Naibabahagi, naipapasa at natututuhan ng madla.

Galak, lungkot, o saring emosyon na nasasalamin

Hatid ang inspirasyon, tulay ng pag-asa o magandang mithiin.

 

Sa pagbigkas ng salita, layunin ay maging payapa.

Pag-asa, inspirasyon ay siyang nililikha.

Boses na puhunan, kapalit ay kalayaan.

Tila ba’y rosas sa madilim na kapalaran.

 

Wikang Filipino ay siyang tanikala sa pagkabuklod.

Talim ay dahas sa mangmang na sakit.

Hindi susuko, ipaglalaban, at hindi mapapagod.

Patuloy na ibabahagi sa panahong hinubog-paslit.

 

Wikang Filipino, ay siyang ilaw.

Kultura’y sinasalamin, kailan may di’ papanaw.

Saan mang dako, liblib, kabundukan maging karagatan.

Nauukit, naikikintal, tunay na kayamanan.

 

Piliin mo at patuloy na tangkilikin.

Pagmamahal sa wika, ay dapat natin’ unahin.

Pilipino ka, Filipino ang wika natin.

PILIPINAS, ating mahalin.