Return to site

AKING INA

MA. THERESA C. RAMOS

· Volume II Issue III

Ang aking ina, aking kakampi

Mula pagkabata, aking kasama

Sa lahat ng panahon, nasa aking tabi

Sa unang bahagi ng aking buhay, mukha niya ang aking nakikita

Sa bawat puyat at pagod, pagmamahal ang aking nadarama

Nang ako ay magkamalay, magkaisip

Sa aking pakiramadam, tila naiinis

Masyado namang nag-aalala sa akin ang aking mahal na ina

Sa bawat sandali nais niyang makita, mga gawi ko sa tuwina na

Dati aking kinagigiliwan na pangungulit, ngayon aking kinaiinisan

Mga munti bagay, ayaw ko nang pag-usapan, sadyang nakakabagot

Sa aking pakiramdam, ako’y nasasakal, sa labis na pagmamahal

Pumasok sa paaralan, natuto ng maraming mga bagay.

Ngunit ang pinakamahalagang aral, tila di ko pa rin batid

Pakiramdam ko lahat ay mali, wala na akong gawang mabuti

Hindi ko ininda mga paalala niya, basta ang akin ay akin

Ako na ang bahala, tuwina na sabi ko, kaya ko na

Pakiramdam ko lahat ay mali, wala na akong gawang mabuti

Hindi ko ininda mga paalala niya, basta ang akin ay akin

Ako na ang bahala, tuwina na sabi ko, kaya ko na

Sa bawat pagkakamali at pagkakadapa, palagi akong umiiyak

Sa aking pakiramdam, ako lang ang may sala

Ngunit sa kabila ng lahat, si nanay palaging nandyan

Di napagod magmahal, di napagod making, di napagod umunawa

Sa pagtagal ng panahon, ako ay nagkakaisip

Naalala mga paalala niya, ngayon akin ng sinasabi sa aking mga anak

Mga paalala na dati di ko pinapansin, ngayon ako na ang nagsasabi

Muli naalala ko mga ginawa ko dati, sana di ko yun ginawa

Pero di ko na mabawi, mga bagay na dati kong ginawa

Mga paalala na dati ay di ko pinapansin, ngayon ako naman

Akin tuloy naiisip, napakatibay ng aking ina

Sa kabila ng lahat ng aking pagkakamali, pagmamahal pa rin

Ang kanyang bitbit, di ko man pinansin, alam ko di mawawaglit

Mga paalala niya noon, siya ngayong aking bitbit

Sa mga anak kong giliw, akin ngayong isasalin

Dakilang pagmamahal ng isang ina, tunay na di magmamaliw.