Maraming nagsasabing Mangyan daw ang aking mga magulang. Ayaw kasi nilang tumira sa maraming bahayan. Kami ay nakatira sa tabing ilog malayo sa kabihasnan.
“Mas tahimik sa lugar na ito kaya dito na lamang tayo tumira. Malapit tayo sa bukid natin at sa ilog na mapag kukunan natin ng tubig.” mahabang paliwanag ni tatay.
“Mababantayan naming ng inyong ina ang ating bukirin para makaani tayo ng malaki at hindi tayo mahirapan sa darating na tag-tuyot.” dagdag pa ni tatay
Maganda ang sikat ng araw, napatanaw ako sa ilog, tela inaaya ako ng ilog, kumakaway ang kanyang mga alon ngunit lumitaw ang aking pag aalinlangan sapagkat bali-balita sa aming baryo malupit daw ang ilog,
“Gusto mo bang maligo sa ilog? tanong ni nanay. “Natatakot po ako baka tangayin ako ng malakas niyan agos.” nalulungkot kong sagot
“Ang ilog ay hindi kasing lupit ng iniisip mo, kung aalagaan mo sila, pagagaanin nila ang buhay mo. Halika sumama ka sa akin” sabat ni tatay.
Pumunta kami sa ilog ni tatay dala ang isang buslo at kapirasong kahoy na may pisi. Inihagis ni tatay ang pisi, maya maya hinila niya ito. Isang malaking tilapia ang huli, hinagis niya ng paulit ulit. At sa bawat pag angat nito’y may huling isda na tela ba hindi sila nauubos.
Lumusong na si tatay sa tubig para maligo.” Halika ka anak, huwag kang matakot kaibigan natin ang ilog.” sabi ni tatay ‘Tay, nagiging kaaway ba ng tao ang ilog? Inosenteng tanong ko.
“Nagagalit ang ilog, lalo na pag sila’y inaabuso ng mga tao. Kaya dapat alagaan natin sila.” salaysay ni tatay.
Naging laganap ang pagkakaingin sa aming lugar. Walang habas na pinagpuputol ang mga puno. Ang mga bato’y inahakot mula sa ilog upang magamit sa mga daan at tulay.
Isang malakas na bagyo ang dumating. Malakas ang ragasa ng ilog na tela galit na galit ang mga alon nito. Unti unti nang umapaw ang tubig sa ilog at umaboy na ito sa sahig ng aming bahay.
“Nay, Tay, ano po ang gagawin natin.” May takot kong saad “Magsihanda kayo! lilikas tayo” matapang na pahayag ni tatay.
Pansamantala kaming nanuluyan ng ilang araw sa bahay ang aking tiyahin. “bumaba na ang tubig sa ilog at banayad na ang agos, maaari na tayong bumalik sa ating tirahah.” Litanya ani tatay.
Mula noon, naging bahagi si tatay ng programa na nangangala sa kalikasan. Naging alerto kami sa anumang maaaring mangyari kung muling mangalit ang ilog.
Kayang kaya naming bumangon sa tulong ng ilog. Ang biyaya niya’y waring agos na hindi napuputol. Ang ilog ay parang tao na kailangan ng alaga at pagpapahalaga.