Return to site

ABAKADA, SALAMIN NG MAYAMANG KULTURA

ni: ROMMEL P. MANALO

Ang bayan kong mahal, Pilipinas ang pangalan,

BAwat lugar dito, may taglay na kariktan.

KAhit mga dayuhan, ito’y tunay na hinahangaan,

DAhil sa mayamang kultura at taglay na kagandahan.

 

Akala ng marami mahirap pag-aralan,

BAsahin at unawain, wikang aming nakagisnan.

KAkaiba man sa lahat ng iyong nakasanayan,

DAngal ng aming wika, di’ matatawaran.

 

Ang aking mga kababayan, Pinoy kung tawagin,

BAgyo man ang dumaan, nakangiti at bumabangon pa rin.

KAhit pandemia at sakuna, di man lang pinansin,

DAmayan at bayanihan ang sandata, kasama ng panalangin.

 

Ang Pilipinas, ang aming wika, at mga Pilipino,

BAgwis na sumisimbolo sa aming pagkatao.

KAya pahalagahan at ipakilala sa buong mundo,

DAkila, marangal, Wikang Filipino.